Thursday, 25 October 2012

bunso,pangalawa o panganay

Nung buhay pa tatay ko at sa unang taon na pagsasama namin, ang unang nyang bilin ay huwag akong magpapadaig sa mga kapatid ko lalo na sa mga anak nya sa cebu. Kasi lagi ko daw tatandaan na ako mas nauna at panganay sa kanila. Dapat daw ay bigyan nila ako ng respeto at igalang bilang ATE nilang lahat. Ang pangaral na iyan ay hinding hindi ko makakalimutan sa kanya kasi totoo. Totoo naman na kahit kelan hindi ko natikman ang lambing at kahit konting respeto sa mga buo kong mga kapatid. Kung tutuusin sila pa nga ung tinatawag kong kuya imbes na ako ang tawagin nilang ate. Nakakatawa sa iba pero para sa akin ito ay isang malaking insulto ba. Pero sige lang, okay lang naman sa akin. Sanayan na lang kasi siguro sa mga kapatid ko sa ama, e meron akong makitang respeto sa kanila. Nakilala ko silang tatlo at nakasama ko sila hanggang sa iniwan kami ng tatay ko. Ako ang nagsilbing mga magulang nila..ama't ina kung tawagin na lang natin. Marami sa mga kaibigan ko ay humahanga sa kakayahan ko na tanggapin sila at akuin sila, alagaan at mabigyan ng magandang buhay ba. Ginawa ko yun kahit madami akong salita na kumontra sa ginagawa ko lalo na sa sarili ko pang pamilya sa maynila. Pero binale wala ko lahat yun hindi ko sila pinakinggan kasi isa sa kanilang tatlo nakita ko ang salitang respeto. Isang dekada na kami magkasama nyan. Sa hirap at ginhawa, hindi kami naghiwalay. Pero siguro sadyang ganun talaga kasi lumipas man ang mga taon, totoo nga na nagbabago ang lahat. Kung buhay lang ang ama ko, ang dami kong gustong isumbong sa kanya...kasama na dyan ang ginawa sa akin ng mga anak niya. Pero isa lang ang masasabi nun at yun ay...."tanga ka. Bakit ka nagpadaig sa kanila?" Sa ngaun ay hindi ko pa alam kung saan ako lulugar sa hanay naming magkakapatid. Kung ako ba ay sa bunso, sa gitna, pangalawa o sa panganay.

No comments:

Post a Comment