Saturday, 27 October 2012

How I wish is to have a perfect christmas

My idea of a perfect christmas is to spend it with you all. How I wish na maging perfect nga ang pasko ko kasi usually kami kami lang sa bahay and kinabukasan wala naman kaming gaanong pinupuntahan nang mga relatives. It is sad to know na may sarili na kaming mga buhay at lalo na ngaun may mga misunderstanding na nangyayari. I dont know kung ganito talaga or sadyang may mga ganitong klaseng situation sa pamilya. Milagro na lang kung lahat kami ay magka-isa. Nakakalungkot man isipin ba na ang pamilya mo nagsisiraan sa isa't-isa. Ewan ko ba kung kelan talaga magiging good terms ang nanay at tyahin ko? Siguro hanggang kamatayan hindi sila magkakaayos. Lapit na pasko. Actually totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata lang kasi kapag may isip ka at humaharap sa realidad ng mundo, hindi mo na ina-appreciate ang diwa ng pasko kundi ang gastos mo sa mundo. nakakatawa pero totoo. Pero naniniwala ako na hindi lahat magiging ganito. siguro it will take time to heal all wounds pero yun nga lang may scar nang marka. Mahal na mahal ko ang buong angkan ko. Hindi nila alam yun kasi ayaw kong malaman nila. Kaya nga nalulungkot ako kapag may away sa pamilya. Gaya ngayon, habang palapit ang pasko..may misunderstanding na nagyayari na kahit ako hindi ko maiintindihan. Sa taong ito, madami din ang nangyaring maganda, neutral at pangit sa pamilya ko. Pero para sa akin mas matimbang ang kapangitan. But personally, wala naman sakin kasi actually madami akong blessings na natanggap sa taong ito at nawa'y hanggang sa katapusan ng taong ito. Pinapasadiyos ko na lang ang lahat kasi Siya lang naman ang nakakaalam ng lahat-lahat. Kaya Lord ...Thank you po at hindi nyo ako pinabayaan and in my own passageway nakukuha ko ang mga nais ko.

No comments:

Post a Comment